Ang mga iba't-ibang wika ay wika ng bansang Pilipinas. Bawat bansa ay ay may kanya-kanyang wikang ginagamit o sinasalita. Tulad na lamang ng Pangasinense sa Pangasinan, Cebuano sa Cebu, Bicolano sa Bicol, Batanggenyo sa Batangas at marami pang ibang mga wika o dayalekto na ginagamit bawat lugar.
Gaya ng bansa nating Pilipinas ay mayroon ding sariling wika. Gayon pa man ay may iba't-ibang wikang ginagamit natin sa ating bansa. Sa mga iba't-ibang wikang ito ay nagkakaintindihan pa rin tayo sa bawat isa. Naipaparating pa rin nating ang gusto nating sabihin sa ating kapwa. Buhat dito, magkakaroon ng maayos at maunlad na pamumuhay ng bawat Pilipino kung patuloy nating gagamitin ang ating sariling wika. Ngunit, dapat nating tandaan at laging isa-isip na iisa pa rin ang ating pambansang wika.
Huwag nating iwaglit ang salitang iniwan sa atin ni Gat Jose P. Rizal, "Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay daig pa sa malansang isda." Kaya, kinakailangan lang natin na mahalin natin ang pambansang wika dahil ito ang susi ng ika-uunlad ng ating bansa.